ANG MABUTING BALITA NI

HESU-KRISTO

SA 5 SIMPLENG HAKBANG

1

ANG LANGIT AY ISANG LIBRENG KALOOB.
HINDI ITO PINAGHIHIRAPAN O PINAGIGING MARAPAT.

*

Isiping umaga ito ng kaarawan mo. Sinorpresa ka ng nanay mo ng isang mamahaling kaloob - ang pinakahuling iPhone. "Wow! Salamat Nay!" sabi mo. Pagkatapos ay dumukot ka sa bulsa mo ng ilang sukli upang bayaran ang nanay mo. Kung binayaran mo, magiging kaloob ba ito? Hindi na. Gayundin, ang pagsubok na bayaran ang nanay mo ay isang insulto.

O kay sabihin nating nais ng isang tatay na hikayatin ang kanyang anak na malabata upang pagbutihan sa paaralan kaya sinabi niya, "Kung makukuha mo ang lahat ng A ngayong taon ay ibibili kita ng kotse sa Pasko."

Sa katapusan ng taon ay nakuha niya lahat ng A at, tapat sa kanyang salita, ibinili niya siya ng kotse. Kaloob ba ito? Hindi. Sa katunayan ay isa itong gantimpala para sa paggawa.

Ang kaloob ay dapat libreng ibinigay at libreng matatanggap. Kung kailangan mong magbayad, o gumawa ng isang bagay na pamalit - hindi ito isang kaloob.

Sinasabi sa atin ng Biblia na ang langit (buhay na walang-hanggan) ay isang libreng kaloob.

Sapagkat sa pamamagitan ng biyaya kayo ay nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito ay hindi sa inyong sarili; ito ay ang kaloob ng Diyos. Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinuman ay huwag magmapuri.

Efeso 2:8-9

Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, datapwat ang kaloob na walang bayad ng Diyos ay buhay na walang-hanggan sa loob ni Kristo Hesus na panginoon natin.

Roma 6:23

Walang nararapat sa isang lugar sa langit. At walang makatatamo ng isang lugar.

Dahil ito sa…

2

ANG TAO AY ISANG MAKASALANAN.
HINDI NIYA KAYANG ILIGTAS ANG KANYANG SARILI.

*

Ipagpalagay na gumagawa ka ng omelette na nagangailangan ng anim na itlog. Isa-isa mong binasag ang itlog at hinulog ang pula nito sa mangkok. Umabot ka sa huling isa, binuksan ito at hinulog. Agad mong nilayo ang ulo mo at pinisil ang ilong. Ang huling itlog ay bulok.

Wala kang magagawa kundi ang itapon ito. Bagama't may limang maaayos na itlog sa mangkok, sinisira ng isang sirang itlog ang lahat.

Kagaya ng hindi mo paghahandaan ang pamilya mo ng omelette na kontaminado ng isang sirang itlog, hindi natin kayang dalhin sa banal na Diyos ang isang buhay na kontaminado ng kahit isang kasalanan at umasang tanggapin Niya ito.

Lubhang napakataas ng pamantayan ng Diyos. Para sa Kanya, ang galit ay katulad ng pagpatay; ang mapitang pag-iisip ay tulad ng pangangalunya. Ang kasalanan ay hindi lamang kung ano ang ginagawa natin - kundi anuman ang ating isipin, sabihin, gawin o maging hindi gawin na bigong abutin ang perpektong pamantayan ng Diyos.

Sapagkat lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.

Roma 3:23

"Ngunit mabuti akong tao," maaaring iniisip mo. "Inaalagaan ko ang pamilya ko. Nagboboluntaryo ako sa komunidad ko. Hindi ko ninanakawan o sinasaktan ang sinuman. Siguradong dapat hayaan akong makapasok sa langit?"

Kung nais mong makapunta sa langit sa pamamagitan ng pagsubok na mamuhay ng isang mabuting buhay, ganitong kabuti, sabi ni Hesus, ka dapat na maging:

Ngunit mapasakdal kayo, gaya ng ang Ama ninyong nasa langit ay sakdal.

Mateo 5:48

Ang pamantayan upang makapunta sa langit ay lubos na pagkaperpekto sa isip at gawa. Sa madaling salita, kailangan mong maging kasimbuti ng Diyos. Imposible para sa taong maabot ang pamantayang ito.

Gayundin, hindi tayo maililigtas ng mabubuting gawa dahil…

3

ANG DIYOS AY KAPWA MAPAGMAHAL AT MAKATARUNGAN.

*

Isiping may isang desperadong lalaki na nagpasyang looban ang bangko. Nilapitan niya ang teller, itinutok ang baril sa kanya at galit na hiniling ang pera.

Inabot ito ng takot na teller.

Ipinasok niya ang pera sa isang supot ng basura at nagmadali tungo sa labasan. Ngunit sa daan ay natalisod siya sa karpet at bumagsak nang malubha, nabitawan ang baril. Nagapi siya ng mga guwardiya ng bangko.

Sa hukuman, tinanong ng hukom ang tulisan, "Paano ka makikiusap?"

"May sala," mahina niyang tugon. Wala siyang ibang pagpipilian. Ang ebidensya laban sa kanya ay matindi.

"Inyong kagalang-galang," patuloy ng tulisan, "ito ang una kong pagsasalansang. Hindi ako nanakit ng sinuman. Naibalik sa bangko ang lahat ng pera. Maaari bang pakikalimutan na lang ang ginawa ko at palayain ako?"

Magiging makatarungan ba ang hukom kung palalayain niya ang tulisan? Hindi. Kailangang tanganan ng hukom ang batas at hinihiling ng batas na ang isang taong napatunayang nagkasala ng panunulis ay dapat maparusahan.

Mas higit pa ngang makatarungan ang Diyos kaysa sinumang taong hukom. Hindi Niya kaya at hindi Niya ipagpapaumanhin ang atin kasalanan.

…ang Diyos ay pag-ibig.

1 Juan 4:8

…isang Diyos na…hindi ituturing na walang sala ang may sala;

Exodo 34:7

Ito ang dilema: Ang Diyos ay pag-ibig at ayaw Niyang parusahan tayo. Ngunit makatarungan din ang Diyos at kailangan Niyang parusahan ang ating kasalanan.

Nilutas ng Diyos ang dilemang ito sa pagsugo kay Hesus…

4

SI HESUS AY DIYOS AT TAO.
NAPARUSAHAN SIYA DAHIL SA ATING MGA KASALANAN.

*

Si Hesus ay Diyos sa pantaong katawan. Hindi lamang Siya mabuting tao, isang propeta o isang guro.

Sa simula ay ang Salita [Hesus], at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos…At ang Salita ay naging laman at nagtabernakulo sa gitna natin (at nakita namin ang Kanyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang gaya ng isang bugtong mula sa isang ama), na puspos ng biyaya at realidad.

Juan 1:1, 14

Iniibig tayo ng Diyos subalit kinamumuhian ang ating kasalanan. Inaasam Niyang tamasahin ang isang matalik na relasyon sa atin. Subalit ang ating kasalanan ay isang pader na naghihiwalay sa Kanya at sa atin.

Upang malutas ang problema, kinuha ng Diyos ang lahat ng ating kasalanan - nakalipas na kasalanan, kasalukuyang kasalanan at gayundin ang lahat ng pang-hinaharap na kasalanan - at inilagay ang lahat kay Hesus. Pagkatapos, pinarusahan Niya si Hesus para sa dahil sa ating mga kasalanan.

Tayong lahat ay gaya ng mga tupang naligaw; bawat isa sa atin ay lumihis sa kanyang sariling daan; at ipinasan sa Kanya ng Panginoon ang lahat nating kasamaan.

Isaias 53:6

Ibinigay si Hesus sa mga barbarong tao na bumugbog at humamak sa Kanya. Sinuntok Siya, sinampal at dinuraan. Sinugatan ang Kanyang laman at hinampas - ang latigo ay may mga piraso ng metal sa dulo.

Habang pinagtatawanan siya ng tao, ipinilit ang isang koronang tinik tungo sa ulo Niya. Pagkatapos, ipinako Siya sa krus.

Sa katapusan, nang mabayaran Niya ang huling kasalanan ay sinabi ni Hesus, "Tetelestai." Isang sinaunang salitang pang-negosyo na nangangahulugang: Nabayaran na ang halaga.

Namatay si Hesus. Ngunit makalipas ang tatlong araw ay ibinangon Siya ng Diyos mula sa mga patay.

Nangangahulugan itong ang mga kasalanan mo ay naparusahan na. Hindi nga lang sila naparasuhan sa katawan mo.

Namatay si Hesus sa krus at ibinangon mula sa mga patay upang bayaran ang parusa para sa ating mga kasalanan at upang bilhin ang isang lugar sa langit para sa atin. Isang lugar na inaalok Niya ngayon sa atin bilang isang libreng kaloob.

Gaya ng umiiral ang sabon ngunit malilinisan lamang nito ang ating mga katawan kung gagamitin natin ito - umiiral ang kaloob ngunit mapakikinabangan lamang natin ito kung tatanggapin natin ito.

Matatanggap ang kaloob na ito sa pamamagitan ng Pananampalataya…

5

PANANAMPALATAYA ANG SUSI
NA MAGBUBUKAS SA PINTUAN NG LANGIT.

*

Isang bilog na salbabidang nakasabit sa dingding.

Upang makapasok sa account ko sa bangko ay kailangan kong ibigay ang password. Maaari akong sumubok ng maraming password. Ngunit ang tamang password lang ang gagana. Ang naglilitas na pananampalataya ang tanging password na magbubukas ng pasukan sa langit.

Ano ang nagliligtas na pananampalataya?

Maaaring maraming alam ng isang siyentista tungkol sa tubig, ngunit kung gumagapang siya sa disyertong namamatay sa uhaw, hindi siya maliligtas ng kaalamang nasa ulo. Kailangan niyang uminom ng tubig. Ang kaalaman sa ulo na umiiral ang Diyos ay hindi nagliligtas na pananampalataya.

Bago maglakbay ay maaaring manalangin tayo sa Diyos para sa pag-iingat o bago sumagot sa pagsusulit ay humingi tayo ng tulong. Ang pagbaling sa Diyos kapag nasa pangangailangan lamang tayo o nasa isang krisis ay pansamantalang pananampalataya.

Ang nagliligtas na pananampalataya ay hindi kaalaman sa ulo na umiiral ang Diyos, ni ang pansamantalang pananampalataya. Ang tunay na nagliligtas na pananampalatay ay ang pagtitiwala kay Hesu-Kristo lamang para sa buhay na walang-hanggan.

At silay ay inilabas at sinabi, "Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang ako ay maligtas?"
At kanilang sinabi, "Manampalataya ka sa Panginoong Hesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan."

Mga Gawa 16:30-31

Isiping naglalayag ka. Naabutan ka ng isang malupit na bagyo. Bumabangga ang malalakas na alon sa maliit mong bangka. Isa sa kanila ang lumunod sa bangka at humantong ka sa nagyeyelong tubig desperadong nakakapit sa isang piraso ng kahoy.

Nakita ka ng isang barko at nagmadaling lumapit. Nagtungo ang kapitan sa gilid na hawakan at sumigaw, "Hoy! Hahagisan kita ng salbabida. Sunggaban mo ito! Hihilahin ka namin sa kaligtasan."

Sa parehong paraan, nakikita kang nalulunod ng Diyos sa mga kasalanan mo. Wala tayong lakas na iligtas ang ating mga sarili. Kaya sumisigaw Siya sa atin, "Naghagis na ako ng salbabida sa iyo. Ang pangalan Niya ay Hesus. Bitiwan mo na ang piraso ng kahoy. Sunggaban mo Siya at hihilahin Kita sa kaligtasan."

Dapat mamili tayo - kung mananatili bang nakakapit sa piraso ng kahoy (sinusubukang iligtas ang ating sarili) o bibitaw at magtiwala kay Hesus upang iligtas tayo.

Si Hesus ang tanging daan tungo sa buhay na walang-hanggan. Siya lang ang tanging salbabida ng Diyos. Upang matanggap ang kaloob ng buhay na walang-hanggan ay dapat nating ilagay ang pananampalataya natin kay Hesus lamang.

MAY KABULUHAN BA ITO SA'YO?

*

Hindi mo ito aksidenteng nabasa. Iniibig ka ng Diyos. Nais ka Niyang handugan ng kapatawaran sa mga kasalanan at isang lugar sa Kanyang pamilya.

Nais mo bang tanggapin ang kaloob ng buhay na walang-hanggan?

Walang kumplikadong ritwal na susundin. Matatanggap ang kaloob sa simpleng paghingi nito.

Kung ang sagot mo ay oo, mangyaring bigkasin ang sumusunod na panalangin:

Minamahal na Hesus. Isa akong makasalanan. Nais kong tanggapin ang libre Mong kaloob ng buhay na walang-hanggan. Nananampalataya akong Ikaw ang Anak ng Diyos. Nananampalataya akong namatay Ka para sa aking mga kasalanan. Nananampalataya ako ibinangon ka mula sa mga patay. Pinipili kong ilagak ang tiwala ko sa Iyo lamang. Salamat Hesus sa libreng kaloob ng buhay na walang-hanggan. Amen.

Ito ang sinabi ni Hesus tungkol sa bagay na ginawa mo:

Katotohan, katotothanang sinasabi ko sa inyo, sinumang nananampalataya ay may buhay na walang-hanggan.

Juan 6:47

Nangangahulugan itong natanggap natin ang buhay na walang-hanggan sa sandaling nanampalataya tayo. Dahil nanampalataya ka, natanggap mo ito.

Datapwat ang lahat ng sa Kanya ay nagsitanggap, sa kanila ay ipinagkaloob Niya ang awtoridad na maging mga anak ng Diyos, samakatwid ay ang mga nagsisampalataya sa Kanyang pangalan: na mga ipinanganak, hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, kundi ng Diyos.

Juan 1:12-13

Ikaw ngayon ay bahagi na ng pamilya ng Diyos. Walang bagay na gagawin mo ang makapagbabago roon - sa sandaling isilang ang isang sanggol, hindi na siya maaaring maging di-naisilang.

Ang nakalipas mo, kasalukuyan at hinaharap na kasalanan ay napatawad na. Sa mata ng Diyos gayon ka na, at laging gayon, nagniningning na dalisay. Tulad ni Hesus.

HINDI KA NA ALIPING NATATAKOT…

Isang anak sa bisig ng kanyang ama.

ISA KANG

ANAK NG DIYOS